The other week bumisita kami sa UST area, actually sa Joli’s lang para kunin ang order ko.
Plano namin simula palang na “move in for the kill” sa pagkuha ng objective. Yun tipong “in and out”. Ito ay sa kadahilanang ayaw naming ma-trapik. Ever. Everrrr.
Kaya naman ang post na ito ay napaka ikli, dahil hindi kami gumastos bukod sa pamasahe, at dito sa cute na cute na meryendang ito:
Madami na palang micro-business sa paligid ng UST. I mean noon naman meron na pero mostly sa loob ng ust or sa loob ng buildings/condo ganun.
Ngayun ang dami na. May burgeran dito, coffee house doon, bread shop, tea house and mandy moore! Pero dahil stick to the strategy kami ito lang ang aming pinagbigyan:
Simpleng cart, mas malaki pa cart ni Chumbayan (di ko sya nakita, i wonder kung buhay pa ang bumuhay sakin nung kolehiyala days ko).
Paano mo matitiis wag lapitan si Shina Chan na may hawak na pancake? |
Makikita mo ito along Espanya mismong corner ng P.Noval street sa harap ng Copyright printing.
For the price of 10 php each and 15 php for specials: yung may kitkat, reese at mallows na palaman.
In fairness ang simple lang ng concept: Mini pancakes. And yes fan ako ng pancakes kaya napa-sidetrip ako, chaka 15 php lang nman di naman siguro magdudusa ang weekly budget namin dahil dito.
Pancakes sya, basically and since isa sa peburits ko yun bumili talaga ako. Yuknow takaw tingin as always. So ayan..kumuha ako ng oreo at ng mallows. Pati mabait si ate, naka-smile at ginoodmorning ako, kaya dalawa binili ko.
Pasensya na sa pic, dahil cart ito matic na takeout lang at naka-paper bag talaga.
Don’t worry nag-gupit ako ng kuko at hindi ako nagkamot ng pwe- to say the least, malinis kamay ko.
Kinain ko na yung oreo.... bitin, friend. B.I.T.I.N. Sing bitin ng pantalon kong suot in case umulan sa araw na yun.
Yung isa, yung mallows ay ipinsalubong ko sa aking chikiting sa bahay. Tiniis kong wag syang galawin, kaya sa paper bag ko nalang pinikchuran. Once i take it out of the bag kasi… IT'S OVER.
to UST Espanya: "Ang ganda mo pag hindi baha." |
Sana next time maka-subok kami ng isa sa mga stores na nagkalat around UST. Until then, See you next time Espanya!
No comments:
Post a Comment