Pages - Menu

Sunday, November 20, 2016

Boracay Sands Spa



Your friendly neighborhood family spa.




Ngalay na ba ang iyong kasu-kasuan sa kakatrabaho? Dumadami na ba yung sakit-sakit sa balikat mo na kadalasang tinatawag ng mga matatanda na "lamig"? Lumalagatok ang likod sa kaunting stretching? Nako, bes ipahilot mo na nang bongga yan para guminhawa ka naman.


Welcome to Boracay Sands Spa! Located sa may arko ng Binan malapit sa Southwoods City.


Yun nga lang may disclaimer. Di naman ata lahat ay pwedeng magpahilot dahil trip lang. Siguraduhin munang pwede sa katawang lupa mo ang paghihilot, wala akong maisip na dahilan. Basta, para sure. Baka magkamali pa ako di naman ako doktor. GMG, Google Mo Gurl/Guy (hahaha lusot sa orig meaning ng gmg). Lamonayan.   





Dito mas pabor na mag Gold Pearl Card member ka na kaagad. Para maka-avail ka ng FREE! FREE! FREE! somethings look at the image above, kitams? Aaaand... applicable yung membership sa 5 persons na madadala mo tuwing pumupunta ka. Actually may sa mga three years na akong member, so mura pa yung card nuon.


If you think this is a paid advertisement, nope. Hindi po. Wala akong extra whatsoever, sana nga meron pero waley my frends, waley. This is just a recognition for the good service they are giving to their clients, although may ilang guy friends akong isinama and they tell me na better ang female therapists nila. Ayun, pero subjective naman kasi yung magaling at magkakaiba ng preferences ang mga tao so better try and see for yourself.




Ang laki ng difference di ba? Kung fan ka ng spa, massages at pagtulog gaya ko, maeenjoy mo ito. Medyo matagal ang duration ng packages. Actually di pa ako nakapagtry ng Relaxing Package. Ang usual ko ay yung set of 3 nila na Php 379. Tumatagal yun ng mga 1 and a half hours of 2 hours depende sa mga client kasi minsan may mga add-ons pa sila. 


Option mo na kung magbibigay ka ng tip, pero utang na loob magbigay ka naman ng tip, lalo na kung pina-hard press mo lahat ng pinagawa mo. Pero depende parin sa'yo walang pilitan, pero, anyway basta bahala ka na. Hay, kulet. Move on.




Simple at malinis ang kanilang place. Air-conditioned at malinis. Sarap matulog.


Never pa naman akong pumunta at nadismaya sa kalinisan. Sana ma-maintain.




Nakasubok na ako ng ilang massage parlor (thai spas, wellness spas, blind masseurs), actually isa na ang Boracay Sands Spa sa pinakamaayos at ok sa presyo. Madaming mas mahal akong na-try na di naman nagkakalayo ng service at venue.


Isa pang advantage ay pwede gamitin ang Membership Card nila sa iba't ibang branches. Kahit saan ka mapadpad basta may Boracay Sands doon, tipid ka sa hilot kasama ng family and friends mo. 




Mas ok magpareserve muna thru text or call bago pumunta para sure na may schedule minsan kasi punuan lalo na kapag Friday, Saturday and Sunday nights. Check out their Boracay Sands Spa facebook page for more details.





Ang Hatol: Swakto, medyo pricey pero sulit. 
Once a month visit para sa mga nagtitipid. 


Ayus ba? Sana nag-enjoy ka. Comment ka lang dyan sa baba.


No comments:

Post a Comment