­

Mt.Batolusong: Kay-Ibon Falls and Sangab Cave!

This was my first climb, and it all happened on a whim. Hindi siya planado kaya within 3 days ng climb bumili ako ng shoes kahit masakit sa budget.

Wala kasi ako pwedeng ipang-harabas kundi badminton shoes at slippers. Pag pambadminton kawawa naman yun shoes baka mapudpod, pag slippers naman baka mag-rolling-falling ako sa dulas sa summit.



Kamusta naman, diba? So ayun bumili ako and here's my outfit during the climb. For the ideal outfit for hikers see our post here. (to follow hehe)

GOOD MORNING!
Mt.Batolusong is in Tanay, Rizal. Eh I'm from Pacita, Laguna and our group's call time is 2.30 am. Siyet!

Pero kerri lang, umalis kami ng partner in crime ko ng 1.30 am sa bahay at bumili ng tig 2L water pangbaon bago nag-bus pa Cubao.



(the 2L water was not enough! buti nalang may watersource sa bundok. Mygahd! ang sarap ng tubig galing sa ilog! Mapapaisip ka, "what have i been drinking all my life!?!)

Nakaalis kami exactly 1.45 am, i know what you're thinking "Late ka na 'teh" yan din akala namin, pero wag ka, may Magic ang Cher bus, nagtetelport yan. In 15 minutes nasa Alphaland na kami, oha edi sakto ang dating namin may allowance pang 5 minutes.

Ito yung itenerary namin for the day, DIY climb sya so KKB sa pamasahe, food, etc. at sa guide fee dinibayd-dibayd namin: 16 hikers ÷ 3 guides, see total damage breakdown below:
 Total for Pacita Residents: 550 php EACH (150 php: 75 php x 2 Bus fare Pacita-Cubao)
*PACKED LUNCH PO SA BUNDOK, WALEY KARINDERYA ^_^

CLEAN-UP CLIMB
Dual purpose yung climb namin. To clean while climbing, kaya naging Clean Up Climb, ang talino ng umimbento ng term no?

Start of climb is 5.30 am, madilim pa pero sulyap mo na yung basura sa beginning ng trail. Thankfully on the way to the top paunti na ng paunti yung kalat.
Reminders: Alagaan po natin ang kalikasan, hindi lang tayo nandito para mag tour maglibang at mag soul-searching onibsan ang broken hearts. Kailangan matuto tayong respetuhin ang bumuBuhay satin ^_^

THE HIKE

Difficulty Level: 3/9
Trail Class: 1/3.
Summit: Mapatag 645 MASL; Susong Dalaga Peak 780 MASL
Guide: Required

Ibig sabihin ang sweat and hingal level mo is 3/9, malaki-laking chance na natutuyo habang naglalakad. Yung sa trail class walang rock climbing, rappeling, jumping, rolling o falling. Although sa peak, bago ka makarating may huling pagsubok na pader ng bato.


Ang ganda ng trail. Nakakahumaling, and to think hindi pa ito yung isa sa pinakamagagandang bundok ayon sa mga nakasama ko mag-hike.


Halo halo ang madadaanan mong scenery o klase ng trail. Sa simula mostly bamboos, then may mga ilog, and then grasslands habang lumalapit sa summit.


May times na kailangan talagang i-taas ang legs, yung tipong parang aakyat ka ng mataas na jeep ng 30x. Haha, yeaah.. naalala ko at naalala ng legs ko ang minsang parusang yun, pero it's so worth it. 


Kafa lusong may kapalit na view, sobrang ganda hindi ko na naisip mag-picture, natutulala nalang ako sa humaling. Ganun pala ang pakiramdam ng nai-inLove. Speechless.

SEA OF CLOUDS

At first sinasabi nila na "chance" of sea of clouds lang, kasi hindi laing meron. That day na umakyat kami umulan nung hating gabi, so nagkumpol na siguro ang mga ulap nun kaya tumaas yung "chance" namin. 

Pare nabiyayaan talaga kami. Wala po akong masabi sa sea of clouds. Hindi sapat yung photo ko, kasi bukod sa limited view against the light yung karamihan ng shots ko.



I will never forget yung moment na yun. Hingal na hingal ako at walang ibang naririnig sa taas kundi yung hinga kong hirap. Pero habang umaakyat kami dun sa matarik na part ng trail (yun tipong kakamayin mo na yung lupa maka-ahon lang) sabi ng hubby-dubs ko, na nasa harap ko,


"LUMINGON KA."



-BOOM, siyet!

Nagpigil hinga ako. Ang ganda... Pakiramdam ko ang liit ko, pakiramdam ko ang liit ng mga problema ko sa buhay. Pakiramdam ko, Okay Lord, quiet na ako. 


Bawi na. Bawing bawi na lahat ng hinanaing ko sa pag-akyat. Pwede na po ako umuwi, solb na. Haha, pero syempre hindi dyan natatapos ang regalo ng bundok.

Madami pang kasunod.


KAY-IBON FALLS and SANGAB CAVE

Part na ng descent yung Kay-Ibon Falls at Sangab Cave sa itinerary namin pero ish-share ko na sainyo ngaun. Yung Kay-Ibon falls ay maliit lang so ambilis ma-crowded. Hindi ko na kinunan na maraming tao sa falls, kasi andugyot tingnan. Sorry.



Sa falls, sampung tao lang magswimming muka ng crowded. Sa katunayan we had to wait pa for a previous batch na matapos at umalis kase andami nila.


Crowded na sila, pag sumali pa kami baka maging sardinas. Eh ayon sa law of nature hindi taga waterfalls ang Sardinas, taga dagat lang. Ayaw ko po magka-kasalanan.



The same can be said for Sangab Cave. Hindi siya ganung kalaki, and hindi pinapayagan ng guides ang mga tao na pumasok sa pinaka-loob dahil sobrang dilim at malalim ang tubig. 


Bukod sa batch ng hikers, meron ding locals na nagsswimming sa Sangab and Kay-Ibon, so madali talagang mag-crown. Thankfully hindi sya madumi, at yung tubig aaaah kay lamig! At kay linaw pwedeng pwede ipangligo at banlaw.

THE SUMMIT

Don't worry, maraming stopovers. Actually merong isang stopover around 30 minutes away from the summit. Honestly, this part medyo nadismaya ako.

Andami kasing tao. Hindi naman OA sa dami pero ngmukang field trip yung bundok and syempre hindi naman makaka-siguro na lahat sila ay mindful sa trash nila. Nakaka-worry lang.



Anyway, the nearer the summit the less people naman. Kasi by this time madami nang hinihingal at nagtatawag ng awat. Pero ito na po ang Summit ng Mt. Batolusong. Isang dambuhalang pader ng bato.

Kelangan mo ilusong yun katawan na makaakyat ng bato para umabot sa summit.
Kaya naging Batolusong ang name ng bundok. Omagash ang straight toda point ng mga tao noh? Sana sa relationships ganun din! Which reminds me...
Babala: Sa pag-akyat ng bundok, mas malaki ang chance makarinig ka ng hugot kesa sa matapilok. Ihanda ang puso, baka maibalik ang bittersweet memories.

THE VIEW
Ihihingi ko ng pasensya kasi hindi po kagandahan ang phone ko. And itong photo na ito ay partial view lang. Mas maganda yung 360 degree view, hindi ko kaya ibigay dito, tanging sariling mata niyo lang ang makaka-appreciate kung gaano talaga kaganda.



Isa pa, kahit na maraming magagandang photos online ng view ng Batolusong, nothing compares sa ACTUAL. Wala na po akong masasabi pa, kundi sana maka-akyat din kayo at makita kung gaano kaganda ng Pilipinas nating mahal.


THE DESCENT

Kung merong masarap o nakakaparamdam ng "Achieve" yung po ay yung CLIMB hindi yung Descent. Kasi, magpapakatotoo lang po sainyo, ang sakit po sa kuko sa paa at sa tuhod. Yung anggulo ng lupa pababa ang hirap kontrahin. Minumura na po ako ng legs ko.
Ayaw ko na nga po maalala yung parteng iyon kase ansakit talaga, mas masakit pa sa sinabi sakin ng ex ko nung humingi ako ng tawad sakanya.
Pero syempre, it's part of the challenge. And pakiramdam ko nadagdagan ang kakayahan ko dahil dito, akala ko din kasi dahil payat ako tutuwad lang ako dun at hahanginin. Hindi pala, meron pala akong tinatagong tapang at lakas na di nasusukat sa muscles. PUSO! Hahaha! An-chaka.

SA UULITIN

Wala na pong mas sasarap pagkatapos ng akyat kundi isang bowl ng Bulalo at ang pagtulog sa Airconditioned na bus pauwi. For sure aakyat po ulit ako ng bundok, actually next week na hehe. From first-timer to possible Enthusiast! In love na ako!

ANG HATOL

Kung sa Lakwatsa lang ang usapan, aba'y ang budget mo sulit na sulit na sa pag-akyat sa Mt.Batolusong!
Cheapanggang cheapangga! Sa budget mo na dapat pang-nood ng Civil War at Bumerger King with Starbucks mas madami ka pang nagawa:


  • Nakaakyat sa summit ng Batolusong na 670 Meters Above Sea Level (achieeeeve!)
  • Nahumaling sa Sea of Clouds (pak na pak)
  • Nakapag-swimming sa Kay-Ibon Falls at Sangab Cave
  • Nakakilala at nakapagkaibigan ng Ibang Tao (kwela sila super)
  • Nakarinig ng isandamakmak na Jokes at Hugot (ganito tayo sa bundok eh)
  • Nagdevelop ng Muscles (i feel like wonder woman)
  • Nakapag-Muni Muni at higit sa lahat
  • Natuto.

BONUS: Chance of Lovelife (sabi nila, roiyt!)
SEE YOU SA SUSUNOD NA AKYAT!

Share this:

ABOUT THE AUTHOR

Hello We are OddThemes, Our name came from the fact that we are UNIQUE. We specialize in designing premium looking fully customizable highly responsive blogger templates. We at OddThemes do carry a philosophy that: Nothing Is Impossible

0 comments:

Post a Comment