Pages - Menu

Wednesday, May 11, 2016

Cherushi



Bet mong mag-Japanese-Korean food on a budget? Tara, subukan natin dito.




 Cherushi's poster displayed at the Ground Floor entrance.
It's a mix of Japanese and some Korean dishes.



May bagong tayong commercial center malapit sa Southwoods Exit, Coral Center ang pangalan ng lugar. Napadaan kami dito and one of the restaurants that caught my attention is Cherushi. Since today is my bf's special day, we decided to try some meals from their menu.



 Storefront, simple at malinis. Air-conditioned sa loob.



 Gyoza - 3 pcs for Php 70.00
Sana toasted pa and more laman please. Nakakabitin. :)



 Fish Katsu - Breaded Fish Fillet in Teriyaki Sauce with Rice for Php 120.00
Filling ang isang serving nila ng Fish Katsu. Nagmukha lang maliit dahil sa laki ng bowl. 


Cherushi Special - Mixed Sushi Servings, 6 pcs for Php 150.00


Ito yung medyo inantay namin ng mga 15 to 20 mins after ma-serve yung ibang food. Sabi ng kanilang ordertaker (teka, kanta yun ah), bagong luto lagi ang sineserve nilang sushi at hindi sila nag-iimbak ng frozen. It may not look much pero for its price, masarap.


Total cost - Php 520.00
Cost per person - Php 260.00


Cherushi's verison of tempura ramen ang nasa first photo sa ilalim ng title. Malasa, sagana sa sahog at matamis ang timpla. Ok siya yun nga lang nasanay ako sa mga kinakainan ko ng mga ramen before na nakakapaso sa dila ang init ng sabaw, tipong mapapahigop ka talaga ng may tunog (yep, parang sa anime). 


Sa service nila, wala naman akong masabi sa ordertaker kundi ang honest niya. I-e-enumerate niya na sa customer agad yung mga meals na unavailable along with the waiting time, which is good. Keep it up! Mabuti na yung harapan at diresuhan kesa mapaasa, 'di ba? 'Di ba? Syempre foodang parin ang pinag-uusapan natin dito.  


I recommend this place for casual meals with friends and neighbors (malapit kasi sa residential areas ang place), at mga students na gustong magmeet para sa school projects (yun totoo project ba talaga?).


Cheapangga Meter



Introducing the Cheapangga Meter, basically ito ay isang simple guide para maihanda ang bulsa at ang buong pagkatao sa tuwing lumalabas upang mag-dine out. Naka-base ito sa presyo ng pagkain per individual.




Cheapangga (Green, Price range: Php 100 and below)
Para sa estudyante na pinagkakasya ang allowance, mga taong tight ang budget, or sa mga talagang trip lang ang magtipid nang mas mabilis dahil gustong ilaan ang datung sa ibang bagay.

Muriah Carrey (Yellow, Price range: Php 101 to 300)
Para sa mga estudyante na mas mataas ang natatanggap na allowance, mga working people pero nagtitipid dahil may ibang hilig or passion sa buhay like travel, fashion, gadgets, etc.

Keriana Grande (Orange, Price range: Php 301 to 500)
Para sa mga working people na gustong i-treat ang sarili paminsan minsan, casual gatherings, family dinners and informal meetings. Ok ito gawin once or twice a month.

Mamahaline Dion (Red, Price range: Php 500 and above)
Para sa mga okasyong pinaghahandaan, formal gatherings na kailangang puntahan, or talagang can-afford.
Approved ito ng Cheapangga once in a while at tuwing kailangan talaga, but not all the time.


Ang hatol para sa Cherushi: Muriah Carey


No comments:

Post a Comment