Pages - Menu

Thursday, May 19, 2016

Mt. Maculot: Grotto and the Rockies!


Featuring Mt. Maculot, ang bundok na nakaka-kulot ng bangs sa dami ng challenge sa trail (para sa newbies na tulad namin). Itong akyat na ito ay forever magiging memorable, dahil bukod sa masaya madaming surprises at nagulat kami si kakayahan namin at na-overcome namin ang ibat ibang klase ng takot.


Yang guhit ng bato sa gitna na yan. Yan yung ni-Rappel namin. Kamusta diba?

Difficulty Level: 4/9
Trail Class: 1-3

Height: 930 MASL, Rockies 700 MASL
Guide: Required


Mt. Maculot aka Mt. Macolod is in Cuenca, Batangas. From Alabang, nag-rent kami ng van na balikan para wala ng commute-commute. Meeting time is 4.30 am and 6 am kami nakaalis dahil meron kaming kasamang taga North, North of the Wall. (Inantay namin ang wildlings, need kasi ng party pang-crit, malakas ang kalaban.) Haha, joke lang... na hindi.

MAINIT NA MORNING
Start of the hike is 7.30 am, mainit na ang araw pero keribels kasi makapal ang puno sa trail. Bukod duon masayahin at buhay ang mga tao sa baranggay, may nagvivideoke at may nagsisigawan, "Oy kulang pa ng isang guide tawagan mo si ano!"



First part ng hike namin ay ang papuntang Grotto. Meron itong 14 stations, which are actually 14 mini grottoskung saan nagsisindi ng kandila ang mga nagdadasal. Pero kung saan ang mga hinihingal ay umuupo.



Tolerable siya for your ordinary guy/girl kasi hagdanan ang aakyatin mo with hawakan. Pero hindi diyan nagsimula ang aming kalbaryo, este, pagsubok. After maabot ang literal na Station of the Cross(es) dun na nagsimula ang tunay na trail.

THE GROTTO
Kahit na sementado at hagdanan ang inakyat namin papuntang grotto ay challenging padin dahil ang daaaaaming steeeeps. Mas madami pa sa kasalanan ko sa buhay. At hindi lang iyon, habang tumataas nagiging pa-slant na yung kongkretong hagdanan, siguro nahilo nadin yung nag-construct sa dami ng steps. Pero ang view all the way...



Ang ganda ng Batangas. Kita mo ang siyudad sa baba at ang haba ng hagdanan na natahak na. Iba rin ang feel ng statwa sa taas na nakadungaw sa baba. Para lang nagmamasid, nakakakilabot na nakakabighani, emargerd.




Sa dulo, babatiin ka ng mga talahib at tatlong malalaking Krus at ang grotto kung saan nag-group picture ang lahat. Sa buong akyat ay mahangin at malilim, kaya hindi mo agad mararamdaman ang pagod at kung nagpawis ka man, natuyo na. Next stop ay ang trail papuntang summit at rockies.


Trail papuntang Summit and Rockies

THE TRAIL
Sa unang parte ng tunay na trail ay mabato. May paakyat at may pababa, at mabuhangin ang lupa kaya gagamitin mo talaga ang kamay para kumapit. Scrambling pala tawag dun. Habang pataas ng pataas ang akyat mas lalong nagiging madulas ang trail dahil lumiliit ang mga bato. Swerte ka na pag hindi ka nadulas.


Ang biggest surprise sa trail, para samin, ay yung fact na meron palang rappelling involved. Nung tinanong kasi namin si Ma'am Organizer (na itago nalang natin sa pangalang Carissa, hahaha! peace ma'am labyu) sabi nya trekking lang naman mostly so kayang kaya ng first-timer. 
"Na-misinform Ako Ah"

Keri lang kasi bago at nakakamangha yung batong inakyat namin and first time namin mag rappelling. Yung level of kaba and excitement ay sing taas ng inakyat naming bato kaya Salamat ma'am, best surprise in my hiking experience... so far!


THE SUMMIT

Mt. Maculot is 930 meters above sea level, please refer to the sign below. Ayan nakasulat na sa karatula, maniwala ka na! haha!



Ang view ay ibang iba sa view from the grotto. Kitang kita ang Taal Lake at may back view pa ni pareng Taal Volcano. Ang ganda ng kislap ng tubig, ang ganda ng langit. Personally, mas nahumaling ako sa view sa summit ng Mt.Batolusong pero, nevertheless, nakakahamak padin at iba ang appeal dito. Kita mo yung Rockies sa baba, kita mo ang buong Batangas, Taal at Laguna Lake.




Malilimutan mo na nadulas ka, nasaktan at napaasa sa pag aakalang trekking lang, may rappelling pala. Hahaha! Pero lahat ng iyon na-enjoy namin dahil napatunayan na hindi mo malalamang kaya mo hangga't hindi mo sinusubukan.




ROCKIES
Hindi diyan nagtatapos ang lahat dahil after ma-reach ang summit, at lumafang, ay nag side trip kami papuntang Rockies. Pinag-uusapan pa namin, "Ano ba yung rockies? Ano kaya yun, bakit rockies?" Inisip ko pa para ba itong ilog? O isang malalim na bangin? Siyempre, di na natuto sa mga names-names na yan. Pagkita ko separate syang mini-bundok, o hilltop, na madaming rocks... 



Rocky siya. Rockies. Ang slow ko no? To get there, bababa ka (mag-rarappel) tatawid sa isang makitid na daan na double-sided bangin, and then aakyat sa isang pader ng malalaking bato. Dambuhala. Mas malaki pa sa publema mo.



View ng Trail ng Rockies (From Rockies mismo) Yang bato sa baba Madami yan na aakyatin

Pagdating sa taas, may patag pero madami ulit big rocks lalo sa magkabilaang sides. Rockies. Nagets mo na? Kasi nung nakita ko lang saka ko lang nagets. Ito picture para magets pa nating lahat (para sa mga slow na tulad ko)


THE DESCENT

If there's anything more memorable than the Rockies or rappelling, it's the descent. My pwet will never forget kasi naka isandamak-mak akong dulas sa trail ng Mt.Maculot.



My friends will never forget din, dahil umabot sa punto na wala ka nang makapitan kundi lupa at pipilitin mong kumapit maalalayan lang ang sariling wag masaktan muli. Andrama no? Pero madami akong natutunan at kahit nahirapan talaga ako nag-enjoy ako at may naibaon na kakaibang memories. 



Rockies Balboa

Tulad ng hinayupak na kantang "May tatlong bibe" na nadikit sa utak ko dahil yun ang ginagamit ng mga kasamahan namin as alternative sa pag-sipol o palakpak, para malaman mo kung san banda yung sinusundan mo.


ITINERARY AND DAMAGE

Ito yung sinundan naming itinerary, which nasundan naman despite may late. Nakababa padin kami before 6pm.




Hindi ito DIY or KKB, sumali kami sa grupo na inorganize ni Ma'am Carissa and total amount na binayad is 500 php. Bukod doon, here's the breakdown of all my expenses. Lahat lahat:




Laking saya lang ng grupo namin kasi pagbaba namin sa barangay, Fiesta pala! Kaya pala madami nag-vivideoke that day! So minus gastos sa dinner! Ang sarap pa ng coffee jelly nila, kaso ubusang lahi madalas sabaw nalang naabutan ko... still, laking salamat namin sa mga tao, dahil ang babait nila. Lalo kay Ka-Manuel na nagpakain sa amin sa bahay nila, nung araw na iyon ng Fiesta. Solb na solb!



ANG HATOL

Pakiramdam ko ako ang hinatulan sa bundok, sa totoo lang. Pero ayos lang kasi I survived at feeling ko hindi lang ako Wonder Woman (I wonder kung paano ko naakyat to?) kundi si Mr.Fantastic! Kasi nalamog legs ko after, luray na luray ang feeling! Best hiking experience so far at dahil masayang masaya ako sa halagang 700+ php only....



Cheapangga man ang gastos mo mas mamahalin mo naman ang sarili mo! Sa takot na hindi ka na makabalik sa sunod mong akyat at sa bilib na na-achieve mo kahit nakakatakot.


BONUS: May nakasalubong kaming guide na doggie! Meet Tiger, ang asong may balat na ka-hitsura ng balat ng...tiger... O_O I know right? It never ends!


Daig pa ang Ex mo ng Guide Dog na ito, Hindi nang-iiwan.


No comments:

Post a Comment