What do you do at 2pm with 2 hours to kill? Edi grab a cup of coffee and make like doodle! Lagi ko na nakikita itong cafe na ito pero wala akong car so hindi ko siya napupuntahan. But because I have much time to kill, nag-walkathon ako to get here:
Sabi ng Cubpearer, sila ang house of coffee...cutey patootie house, if you ask me. Hehehe. All wood, cozy, may hanging signage pa and dim, yellow lamps!
Medyo muka syang pang-Harry Potter na store... and, coincidentalllllyyyyy, meron silang Butter Bearer, see blurry, bad-photography-photo below:
Zorry, not so awesome my photography skills or so high res my cheapangga phone. I-uupdate ko ito sa susunod kong punta, wag mag-alala! However, I can personally swear on my life and limb na cozy ang loob ng shop na ito!
Much like Wagamama, the Cupbearer has a tambay feel to it, though probably not for big barkadas. Actually, for me, pang intimate tambay ang Cupbearer if not soloing. Kase iszow comfy nga and cozy tingnan; one of those perfect rainy season corners to read a book and eradicate 2 hours.
So I got a Cappuccino for 65 php, I think. I'm not sure how it's supposed to taste like kase di ako maka-cappuccino, more of miss mocha ako. For me lang, it was a bit bland but yes bitter sya, given na bitter talaga ang cappuccino (i think ha, not a pro here).
Hindi ko matrace yung hint of cinnamon na alam kong merun dapat nun. Medyo nalungkot ako kasi yun ang gusto o malasahan most of all. Sorry Cupbearer, please don't secretly charge me twice sa sunod kong punta Q_Q masarap po kasi tambay ko dyan, I felt so happy.
Anyways, bukod sa kape kumuha din ako ng carbonara:
At 75 php it's a pretty big plate at saucy siya, in the right way! Ang medyo downside lang para sakin dito ay hindi ata siya freshly cooked. Pramis, nakaamoy ako ng amoy ng ininit sa microwave. Oh I know the smell alright; I live in a house of Tamad Magluto.
Ay, oo nga pala. Ang Cupbearer ay nasa...uh... yung kalsadang mahaba papuntang Evangelista Hospital. Ugh, ang hirap explain, di ko alam yung tawag sa kalsadang yun! Huhu, poor Pacita resident here, sorry!
Anyway, along Pacita Avenue yung lilikuan mong road (opposite the Mini Stop corner, yung may Tricycle Stop) yun yung same road kung san mo makikita ang Evangelista and Family Care hospital. Konting lakad pa ahead, sa opposite side andun lang siya...naghahantay... nagmamasid.. hehehe.
dito ako umupooo! |
Well, sa tinagal kong umupo dito I got through 1/4 of the book. One-fourth land kasi dumu-doodle din ako kaya left and right, nag multitask so slow ang progress. Di ko ikkwento yung laman ng libro, kung curious kayo puntahan niyo dun! Hehehe joke lang.
hwi hwi hwi, pumophoto ops. Inarrange ko yan, hindi ako nahiya kase ako lang ang tao at hindi ako kita ni ate, mwuuhahahaha oportunista!
Ang Hatolness: Muriah Carrey
Pag kunwari gusto mo lang mag self-reward, magpaka tahimik sa isang tabi and embrace the moment with your cup of coffee, aba'y Cupbearer nga ang magandang puntahan. Hindi ko pa natitikman ang iba nilang coffee sa menu so I can't judge them pa kung masarap nga o hindi.
Sa price naman, sakto lang, since sa canteen nga 75 pesos din naman ang spaghetti with meatballs at least dito carbonara; huwhite-sos with ham and bacon bits! Susyal!
Oh heto; Quote of the Day, namnamin niyo, isapuso!
ABOUT THE AUTHOR
Hello We are OddThemes, Our name came from the fact that we are UNIQUE. We specialize in designing premium looking fully customizable highly responsive blogger templates. We at OddThemes do carry a philosophy that: Nothing Is Impossible
0 comments:
Post a Comment