Cara Mia Cakes


Happy Father's Day! Kahapon, so belated! Tulad ng lahat ng pamilyang may mapagmahal na ama, nag-celebrate kami.


Nanood kami ng Finding Dory. Originally, dapat makiki-Promo kami sa Father's Day Special ng Alabang Town Center. (See photo beloooow) 



Pero sa sawing palad ubusang lahi ang ticket dahil sa libreng snack buffet. Well, meron pa naman ng afternoon tickets, kaso syempre kapagod na sa aming ama, so we watched without the freebies nalang.

SPOILER ALERT!
Ang ganda ng Finding Dory! haha! Pero hindi yun ang ikukwento ko sainyo kundi ito:



Ito ang cake na kinain namin after mag-lunch. Wala akong solid pictures kase Cake ang pinag-uusapan. Ang cake hindi pinaghahantay, minamahal yan kaya saglit lang ang photoshoot.


Meet MIDNIGHT DREAM ^_^ hihi, *kiliiiig*

WHERE ISSIT?


Makikita mo ito sa Cara Mia Cakes sa 2nd floor ng Alabang Town Center, sa activity center area (akyat ka lang sa same floor ng Food Court). 

Alam niyo yung Amici duon? Dati itong nasa loob pero ngayon may sarili na syang spot, sa tabi lang din. ^_^ 

HOW MUCH ISSET?
Di ko nakunan yung store kasi pangit ang shot. Andaming tao. Sardinas much, not purrty sa pic, next time nalang.

Update ko nalang ito. But to be helpful ito sinearch ko ang menu so may idea kayo sa prices:


Si Midnight Dream ay nasa 795 php, in other words 800 php, which is okay na since yung Tous Les Jours nasa same range din.

Personally, mas malaki yung Cara Mia but I like yung overall presentation ng Tous Les Jours more, points sa free cake knife and candle for special occasions.


May Free Dedication naman si Cara Mia, but we didn't use it (gonna eat it lang din naman)

THE TASTE!
Going back to Midnight Dream. Masarap siya kasi yung chiffon at crunch ng choco shavings sa ibabaw saktong sakto na combination. Yun tipong malinamnam tapos may soft crunch bigla. Siyet! Gonna get chubby nanaman.



Ang hindi lang ako masaya is yung caramelized cashews. Everything else is heavenly except that kasi hindi talaga ako fan ng caramel. Unless caramel bars ito ng Max bakery,  I no like, kaya medyo may downside sya for me.

OKAY, SOOOO.....
Pero that's just me, everybody else na kumain ay masaya naman. Ubos nga choco shavings eh. +_+ ubos nga agad eh... huhuh.

Hatol: Mamahaline Dion
Anyways, I hope makabili ulit kami, probably on some special occasion na ulit because the price you know = not so sweet.

Pero hindi namin ininda ang sakit dahil para ito sa mga tataaaay! May mga bagay na sila lang ang kayang gumawa:


Shameless Plug - Click HERE -

Kaya para sa araw na ito walang mahal dahil worth it sila! Answiiit hihi!

*** HAPPY FATHER'S DAY!!! ***



Share this:

ABOUT THE AUTHOR

Hello We are OddThemes, Our name came from the fact that we are UNIQUE. We specialize in designing premium looking fully customizable highly responsive blogger templates. We at OddThemes do carry a philosophy that: Nothing Is Impossible

0 comments:

Post a Comment