Cheapangga

Lamon at Lakbay na hindi Lugi, atbp.

  • Home
  • About
  • Foodang
  • Lakwatsa
  • Etc.
  • Contact
  • Policy


Your friendly neighborhood family spa.




Ngalay na ba ang iyong kasu-kasuan sa kakatrabaho? Dumadami na ba yung sakit-sakit sa balikat mo na kadalasang tinatawag ng mga matatanda na "lamig"? Lumalagatok ang likod sa kaunting stretching? Nako, bes ipahilot mo na nang bongga yan para guminhawa ka naman.


Welcome to Boracay Sands Spa! Located sa may arko ng Binan malapit sa Southwoods City.


Yun nga lang may disclaimer. Di naman ata lahat ay pwedeng magpahilot dahil trip lang. Siguraduhin munang pwede sa katawang lupa mo ang paghihilot, wala akong maisip na dahilan. Basta, para sure. Baka magkamali pa ako di naman ako doktor. GMG, Google Mo Gurl/Guy (hahaha lusot sa orig meaning ng gmg). Lamonayan.   





Dito mas pabor na mag Gold Pearl Card member ka na kaagad. Para maka-avail ka ng FREE! FREE! FREE! somethings look at the image above, kitams? Aaaand... applicable yung membership sa 5 persons na madadala mo tuwing pumupunta ka. Actually may sa mga three years na akong member, so mura pa yung card nuon.


If you think this is a paid advertisement, nope. Hindi po. Wala akong extra whatsoever, sana nga meron pero waley my frends, waley. This is just a recognition for the good service they are giving to their clients, although may ilang guy friends akong isinama and they tell me na better ang female therapists nila. Ayun, pero subjective naman kasi yung magaling at magkakaiba ng preferences ang mga tao so better try and see for yourself.




Ang laki ng difference di ba? Kung fan ka ng spa, massages at pagtulog gaya ko, maeenjoy mo ito. Medyo matagal ang duration ng packages. Actually di pa ako nakapagtry ng Relaxing Package. Ang usual ko ay yung set of 3 nila na Php 379. Tumatagal yun ng mga 1 and a half hours of 2 hours depende sa mga client kasi minsan may mga add-ons pa sila. 


Option mo na kung magbibigay ka ng tip, pero utang na loob magbigay ka naman ng tip, lalo na kung pina-hard press mo lahat ng pinagawa mo. Pero depende parin sa'yo walang pilitan, pero, anyway basta bahala ka na. Hay, kulet. Move on.




Simple at malinis ang kanilang place. Air-conditioned at malinis. Sarap matulog.


Never pa naman akong pumunta at nadismaya sa kalinisan. Sana ma-maintain.




Nakasubok na ako ng ilang massage parlor (thai spas, wellness spas, blind masseurs), actually isa na ang Boracay Sands Spa sa pinakamaayos at ok sa presyo. Madaming mas mahal akong na-try na di naman nagkakalayo ng service at venue.


Isa pang advantage ay pwede gamitin ang Membership Card nila sa iba't ibang branches. Kahit saan ka mapadpad basta may Boracay Sands doon, tipid ka sa hilot kasama ng family and friends mo. 




Mas ok magpareserve muna thru text or call bago pumunta para sure na may schedule minsan kasi punuan lalo na kapag Friday, Saturday and Sunday nights. Check out their Boracay Sands Spa facebook page for more details.





Ang Hatol: Swakto, medyo pricey pero sulit. 
Once a month visit para sa mga nagtitipid. 


Ayus ba? Sana nag-enjoy ka. Comment ka lang dyan sa baba.


Marami ang naghahanap ng white beach, hindi ako isa sakanila pero nakakita ako. Maputi at pino ang buhangin sa Potipot Island, mala-polvoron at blue and green ang tubig. Sarap gawing background pang-profile na ma-emote emote noh? Welcome to, ironically:



Sa mga naghahanap ng road trip, ito na ang gawin niyong destination. Gaano ito kalayo? Matatanaw mo na ang West Philippine Sea aka South China Sea aka publema ng bayan.

Haha, biro lang pero oo seryoso edge na talaga ng West Philippine Sea iyon, so: Malayo nga. Ang Potipot island ay nasa Candelaria, Zambales. Wag kayong mag-alala may bus pa-derecho duon at si Victory Liner ang magdadala sa inyo.


Grabbed from Flickr! Thank you sa Nag-upload!

Honestly, sumakit tailbone ko sa byahe, mahigit 11 hrs kaming nakaupo, stopovers excluded ha, at bakit hindi aabutin ng ganun nasa 40 lang ang takbo ni manong driver pagka-pasok ng Olongapo. Paktay.

Napadpad kami dito para sa family bonding, so sponsored kami (thank you mama and papa!) Dahil duon ang mabibigay ko ditong expenses ay estimate lang or more honestly: Hula. Ang bus fare daw from Cubao to Candelaria via Victory Liner ay nasa 430+ one way. Para kang nag-Baguio nadin.



Nag-stay kami sa Dawal Beach Resort na cute na cute, sorry yan ang lagi kong adjective pero cute kasi talaga eh. Osige, malinis siya at maayos at nasa 2,800 php ang rate nila per night, with breakfast for two.



Pwede Na: Aircon + TV with cable (may discover, disney, balls and HBO, etc.) at ang banyo ay may exhaust fan, the most important feature for barkada trips na may itineraryng puro lamon.




May restaurant ang Dawal, amenities like gym and may spa (yes mga iha may ispa!) at may ping-pong! Este table tennis po, meron sila. Sa mga curiosa heto po ang menu nila. Well, keri lang but you know pwede naman mag-BBQ nalang sa beach diba... better cheap than sorry! 




Para makarating ng Potipot Island kailangan sumakay ng bangka which is 400 petot balikan.


kala namin uulan, pero nanakot lang pala

Not sure kung ilang person max ang kayang dalhin so....hm... let's assume 5? Kasi 5 kaming sakay + kuyang mambabangka.



Siguro mga 15 minutes lang ang ride. Tanaw mo na ang Potipot sa beach palang ng Dawal malapit lang siya.




Welcome to Potipot Island!

Ito talaga makikita mo pagkababa ng bangka.



Ang kyooti patootie na isla ng Potipotpotpot ay bulinggit lang. Naikot namin ang beach in just 5 minutes! Normal walking speed ito ha, hindi kami nag brisk walk o romantic/landi- jog. Since nasa Potipot Island na tayo, puro pictures nalang.



At ang gondoh ng water huhuhu... it feels like mahal ka ng Universe at injustice at kasalanan pag finilter mo pa yung photo shot mo!




Wala na ako masabi eh. Ang ganda kasi eh. Meron pang parang Treehouse na hindi (kasi partly made of sementow and not sure kung para saan kasi closed sya halfway)




Heto siya pag medyo upclose na, lookie here mga mam ser: ay wait, onga pala may mga hut for rent at pwede ka mag-overnight. Nasa 100 php each ang entrance sa Potipot Island, 300 php if you gonna sleepover. 



Lagi ko naririnig sa mga tao "White beach, white beach!" swimming sa beach na white pero ngayun ko lang talaga siya na-appreciate! 



The sand is like pulbo, it makes pasok pasok sa swimsuit ko sa sobrang pino. I didn't mind until after, kase too busy making tampisaw and sandcastles in the sand.



Pero ang ginawa talaga namin ay isang malaking butas! Because sandcastles are so typicaaaalll (nyehehe, joke lang) Malaki yan pramis, ayun yung tao sa tabi nya oh. Pwede ka pumasok, hug mo lang knees mo para kang nasa nest!


*Enter Rico Blanco*


"You'll bei saaafe heyorr!"



Moving On: First time ko matulog sa ilalim ng silong ng puno habang nakikinig sa alon ng dagat. Hay....



Oops! PG 13! Pero ang sarap talaga mag-nap dito. Nakakatanggal ng Overthinking. Kaway kaway dyan sa mga sobra mag-isip, mhmmm baka gusto niyo mag bakasyon saglit!



May part din ng beach na madaming sea..grass? or seaweed grass na nakakalat. See photo above! Tapos meron din shempre shi shells shi shells by the shi shore.



Taga UST ka ba at CFAD? Kase kung oo baka nadatnan mo na ang memorable shi shells shi shells phrase na yan sa isa sa mga lamesa ng room 401 o 601 (diko na alala, tanders na) unless nagmilagro at nilinis nila ang mga table. Huwaw!




Ansarap mag-feeling photographer dito. Sobra!




Dito kami sa punong ito nag-pictorial. Walang mga tao dahil sa mga nagkalat na seaweed grass thingies. 



Malaki yung punong ito pramis. Like thiiis BIG! <------ - - - - - - - - - - ------> ahays, sige nanga eto pictures:



Paumanhin sa mga mala-vain shots...nasolo kasi namin itong area na ito kaya ayun, sinulit na namin. At pramis, angsarap umupo at tumambay sa patay na punong ito... sarap mag muni muni.



Mabato nadin sa tubig diyan kaya hndi na kami nag swimming banda dito. Pero diyan sa spot namin tanaw ang West Philippine Sea aka South China Sea aka di ko talaga alam kung tama tinitingnan ko nung tinuturo siya sa'kin.


Sapat na siguro yan, ano? Punta nadin kayo kung namimiss na ng mga mata niyo ang blue, green at white at amoy ng preskong hangin.


Ang Hatol: Outstanding and Unforgettable

Kudos kay kuya at ang barkada nyang gumawa nito. Sa Dawal beach ito pero masaya lang ipang-Last pic

Pagpasok mo palang mapapa-ubo ka na sa tapang ng amoy Thai food. Seryoso, malalanghap mo ang Thailand duon sa Pad Thai Pacita.

Since nakakarami na tayo sa Japanese food lately, eto naman itry natin Thai cuisine!


Maliit lang siya, para sa mga taga-Pacita (Pacitenyos? Pacitanian? Pacito? Ano ba tawag satin?) napaka-lapit lang nito. Yung kanto na papuntang Las Villas de Manila na papunta ding Inihaw ni Paws at ang iconic nating car wash, lingon ka lang sa kabila, andun siya.

Gabi nga pala kami nagpunta so...Night mode!
Bagong bukas lang ata yung Pad Thai nung naisipan namin itry kumain duon. Ang dami kasing tao. Either that or maliit lang talaga yung lugar, pero kasi maraming kachikahan yung may-ari so soft opening siguro.

Grabbed this sa FB account ng Pad Thai. This is their store pag walang tao.

Maganda ang pagkakagawa sa luob ng kainan, pero ang liit masyado. Naaawa ako sa mga nagluluto kasi mukang cramped sila at, dahil andaming customers nung araw na iyon, haggard much.


Yung menu nila ay hindi presyong karinderya o simpleng kainan. Nothing like Tudings ang mga dish ay nasa 180 php on average, pero wag ka, may ikakabog eh. Pare, masarap.


Since ayaw naming lumagpas sa budget ang inorder namin ay yung modest price which is yung Phad Thai noodles and Phad Kapao chicken rice. Parehong below 150 php:

Medyo mabagal service kasi nga andaming tao tapos yung kumukuha ng order namin matanda na, siguro late 50s or early 60s na so ang hirap mag-taray. T_T


After siguro 15 to 20 minutes, dumating na yung food. Pasensya na sa cars na nasa tabi ng pinggan (see photo below). Sa anak ko ya-este props namin yan pampaganda ng shot. Lamonaa, food photographyyy. Nyeheheh!

Masarap siya. Period. Hahaha! Osige sige, malalasahan mo lahat. Legit thai food at magfifeeling healthy ka kasi ma-gulay din sya so okay lang makarami. Medyo fat lang yung noodles so matagal ko naubos pero..


My gad, pagkasubo ko gusto ko na pagdamutan ang anak ko. Kahit na maanghang hindi siya lasang sili, like some spicy dishes, malalasahan mo padin yung nuts, yung greens and yung sauce. 

Balanseng umiikot sa pallet ang ingredients kaya hindi ka mabibigo.


Eto namang si Phad Kapao di magpapahuli. Kita mo yang spring onion na yan at yang green bell pepper na yan, tapos samahan mo pa ng sauch na yun at yung chicken na malinamnam na ayynako!


Di talaga pwede ang sharing dito. Walang kaibi-kaibigan walang date-date. Kung lasa ang  hanap mo aba'y sagana dito, ihanda mo lang pera mo at least 300 php kung magta-takaw ka.

Eto pala kumuha ako ng menu price sa FB page nila, incase confusing yung una kong menu photo:



So ito na hahatulan na natin:



Ang Hatol: Muriah Carrey much
Ang masasabi ko lang ay Nyumnyum-nyum nyum. Masaya ako sa nakain kong ito at kung may reklamo ako ay Bitin po. Bitin kahit na malaki na ang serving, gusto ko pa, sana may XL version kayo, that's all!

Oh heto proof of my satisfaction! What more do you want!?!







What do you do at 2pm with 2 hours to kill? Edi grab a cup of coffee and make like doodle! Lagi ko na nakikita itong cafe na ito pero wala akong car so hindi ko siya napupuntahan. But because I have much time to kill, nag-walkathon ako to get here:



Sabi ng Cubpearer, sila ang house of coffee...cutey patootie house, if you ask me. Hehehe. All wood, cozy, may hanging signage pa and dim, yellow lamps!



Medyo muka syang pang-Harry Potter na store... and, coincidentalllllyyyyy, meron silang Butter Bearer, see blurry, bad-photography-photo below:



Zorry, not so awesome my photography skills or so high res my cheapangga phone. I-uupdate ko ito sa susunod kong punta, wag mag-alala! However, I can personally swear on my life and limb na cozy ang loob ng shop na ito!



Much like Wagamama, the Cupbearer has a tambay feel to it, though probably not for big barkadas. Actually, for me, pang intimate tambay ang Cupbearer if not soloing. Kase iszow comfy nga and cozy tingnan; one of those perfect rainy season corners to read a book and eradicate 2 hours.




So I got a Cappuccino for 65 php, I think. I'm not sure how it's supposed to taste like kase di ako maka-cappuccino, more of miss mocha ako. For me lang, it was a bit bland but yes bitter sya, given na bitter talaga ang cappuccino (i think ha, not a pro here).

Hindi ko matrace yung hint of cinnamon na alam kong merun dapat nun. Medyo nalungkot ako kasi yun ang gusto o malasahan most of all. Sorry Cupbearer, please don't secretly charge me twice sa sunod kong punta Q_Q masarap po kasi tambay ko dyan, I felt so happy.

Anyways, bukod sa kape kumuha  din ako ng carbonara:



At 75 php it's a pretty big plate at saucy siya, in the right way! Ang medyo downside lang para sakin dito ay hindi ata siya freshly cooked. Pramis, nakaamoy ako ng amoy ng ininit sa microwave. Oh I know the smell alright; I live in a house of Tamad Magluto.




Ay, oo nga pala. Ang Cupbearer ay nasa...uh... yung kalsadang mahaba papuntang Evangelista Hospital. Ugh, ang hirap explain, di ko alam yung tawag sa kalsadang yun! Huhu, poor Pacita resident here, sorry! 





Anyway, along Pacita Avenue yung lilikuan mong road (opposite the Mini Stop corner, yung may Tricycle Stop) yun yung same road kung san mo makikita ang Evangelista and Family Care hospital. Konting lakad pa ahead, sa opposite side andun lang siya...naghahantay... nagmamasid.. hehehe.


Nakita ko si iStephen King sa bookshelf nila. In fairness, compared sa shelf ng Wagamama mas interesting ang books dito, at ang ganda ng interioooorr! May Stephen King, may Carl Sagaan pa! and a couple of Self-Help Guides on How to Appear Friendly  to Others. Ooooh, it fits me so well!

dito ako umupooo!

Well, sa tinagal kong umupo dito I got through 1/4 of the book. One-fourth land kasi dumu-doodle din ako kaya left and right, nag multitask so slow ang progress. Di ko ikkwento yung laman ng libro, kung curious kayo puntahan niyo dun! Hehehe joke lang.



hwi hwi hwi, pumophoto ops. Inarrange ko yan, hindi ako nahiya kase ako lang ang tao at hindi ako kita ni ate, mwuuhahahaha oportunista!

Ang Hatolness: Muriah Carrey

Pag kunwari gusto mo lang mag self-reward, magpaka tahimik sa isang tabi and embrace the moment with your cup of coffee, aba'y Cupbearer nga ang magandang puntahan. Hindi ko pa natitikman ang iba nilang coffee sa menu so I can't judge them pa kung masarap nga o hindi.



 Sa price naman, sakto lang, since sa canteen nga 75 pesos din naman ang spaghetti with meatballs at least dito carbonara; huwhite-sos with ham and bacon bits! Susyal!


Oh heto; Quote of the Day, namnamin niyo, isapuso!



Subscribe to: Posts ( Atom )

ABOUT AUTHOR

Lamon, Love, Dasal-Dasal

Categories

Etc Foodang Japanese Food Kape Lakwatsa Merienda Pasalubong Thai food

LATEST POSTS

  • Cherushi
    Bet mong mag-Japanese-Korean food on a budget? Tara, subukan natin dito.   Cherushi's poster displayed at the Ground Fl...
  • California Maki
    New pasalubong idea? Try California Maki.   Dahil kung saan saan ako napapadpad sa aking line of work, yesterday napadaan ako sa ...

Blog Archive

  • ▼  2016 (20)
    • ▼  November (1)
      • Boracay Sands Spa
    • ►  August (1)
    • ►  July (2)
    • ►  June (4)
    • ►  May (12)

Instagram

Pinterest

Book with TravelBook!

Laging Handa

Powered by Blogger.

Translate

Blogger templates

Contributors

  • Drixkie
  • kaalbyny

Say What You Want!

Latest Posts

  • Phad Thai in Pacita
    Pagpasok mo palang mapapa-ubo ka na sa tapang ng amoy Thai food. Seryoso, malalanghap mo ang Thailand duon sa Pad Thai Pacita. Since nakak...
  • Hanamaruken Ramen
    Pag may pera may pang-lamon: Story of our lives. At least yan ang "Bad Habbit" na pinipilit naming i-trim down.  Minsan kasi unhea...
Copyright 2014 Cheapangga.
Designed by OddThemes