Wagamama Cafe

After ihatid ang anak sa school, imbis na umuwi o mag-antay sa waiting area where parents die of boredom or evolve into chika masters, nag-gala nalang kami sa Pacita Avenue.





Maraming mini business dito, lots to try. Isa sa mga pinakabagong bukas dito ay si Wagamama Cafe. Kung taga-Pacita kayo, i know what you're thinking, "Kapihan nanaman?" So triny namin what's new to offer at Wagamama Cafe. So tara lezgow in!





At first sight mukang pang-BGC ang peg niya. Pagpasok sa loob, ramdam ko na... "Ah, kayang kayang ubusin ang 2 hrs dito. Pwedeng tambayan to, pwede-pwede.."




Besides coffee, of course may desserts and pasta dishes and sandwich. Surprsingly, may rice meal and it's Chicken Karaage. Dahil hunger na si husbun, ayown ang first order.





Sa coffee sinubukan namin bestseller nila na Mocha Frappe and then, for something new, Naughty Hazel (hazelnut). Mahilig kasi sa naughty ang hubby ko, kaya with a bit of taas kilay i made bayad na.





In fairness pinag-isipan at mukang dream cafe ang business na ito. Meron pa silang tambayan area for dabarkads.




And like with the uso these days, di mawawalan ng lugar ang Hugot lines. They have a place for it here, literally. Tingnan niyo:




*Balik sa pagkain: Masarap yun chicken.  Kita mo ba sa baba sa picture? Hindi. Kase...ubos na, kase nga masarap. Pero...may natikman na akong kasing sarap for less the price, sorry Wagamama, please don't hate me. Still, yung serving, presentation and lasa... so worth it.






Pak na pak kay hubbidubs yung mocha frappe at inlove naman ako sa hazelnut nila. As in sip lang para di agad maubos, ninanamnam ko eh.




And since matagal na kaming di nag ddate naisip ko, tutal sweldo ko rewardan ko na sarili ko. So ayun bumalik ako sa counter at kasama ko na siya:




Meet Blueberry Cheesecake slice. Small slice lang na I wish mas malaki pa, if not 20 pesos cheaper, huhu. Ang price niya is 110 php, mala-starbucks. 




Ang naibigan ko dito ay yung crust. Naalala ko kasi ang cake ng Mami dear. Yung medyo tutong sa dulo kaya may crunchy. Huhuhu...kay sarap. Sa sarap handa kong hiwalayan asawa ko para sa isang box ng ganito. (Mahilig kasi ako sa cakes and sweets so...you can downplay my judgement para di kayo masyado mag-expect.)






All in all, here's the damage. Walang receipt, forgot to ask and na-busy kakanpocture. Nahiya nanga ako muka akong ewan sa pagpipicture:


Mocha Frappe.                -  129 php

Hazelnut Frappe.            -  129 php
Chicken Karaage.            -  120 php
Blueberry Cheesecake.  -  110 php
————————————————————
                               Total:      488 php

Dibay-dibay 2 =                   243 php  per person







Although masarap, at masarap talagang tumambay at feeling mayaman at walang publema sa buhay tayo dito, di siya pwede pang araw araw. Mga once in two weeks lang siguro para may pang gala pa tayo. Di pwedeng laging lamon, kamusta naman sa katawan at bulsa yon diba?





Ang hatol: MURIAH CARREY



Oh eto cacti, cute no?

Share this:

ABOUT THE AUTHOR

Hello We are OddThemes, Our name came from the fact that we are UNIQUE. We specialize in designing premium looking fully customizable highly responsive blogger templates. We at OddThemes do carry a philosophy that: Nothing Is Impossible

4 comments:

  1. I'll have to check this place out next time I'm in the area. Thanks for the heads up.

    ReplyDelete
  2. Hey! This looks nice. How much is the price per head and where is this located? :)

    ReplyDelete
  3. Hey! This looks nice. How much is the price per head and where is this located? :)

    ReplyDelete