Pag may pera may pang-lamon: Story of our lives. At least yan ang "Bad Habbit" na pinipilit naming i-trim down. Minsan kasi unhealthy ito...para sa bulsa. I know you know dis. Our latest "kasalanan" is nanuod kami ng Warcraft at nagluslay ng pera sa pagkain in the process.
Sa van palang nag-uusap na ang tropa ng mga masasarap na buffet at quality meat sa naranasang Japanese restos. Kaya ayun, naglaway. Nag-hangad: Mistake #1. Sa Alabang Town Center kami nanood at bago pumasok sa sinehan nag-decide kaming kumain muna ng lunch. Dun kami sa new wing naglakad lakad. Una naming pinag-isipan ay ang Bulgogi Brothers. Nasa 650 ang set na napuso-an, pero dyahe.
Spoiler Alert! : Best actors ng movie. Yan na yun |
Apat lang kami pero yun tatlong kasama kong lalaki kasi Biggie. Biggie pero cute at mabait (baka mabasa hahaha). Retto ko na sainyo girls, loyal sila at hindi manloloko. Maaasahan sa lahat pwera lang sa pagkain, mag-aagawan lang kayo. So yun nga, sa isang biggieng tropa palang kulang na yung set, kahit platter pa tawag mo diyan it's JUST NOT ENOUGH. Hahaha!
So nag-segway kami to the left and saw this other ramen house na nagpapatak sa 350 average per bowl. Eh ang budget is 200 to 300 lang, so lumiko kami pakanan at umakyat nalang. And since nakakain na kami dun before, nag-automatic na ang mga paa at dumerecho na sa Hanamaruken Ramen.
Kyoot-kyoot na blue ang store, kulay tsunami at di ko maiwasang mapangiti sa interior at furnishings. Alamonaman me very appreciative sa byootiful things. I lab the lights, feeling ko oriental ako, mala-Mikasa at nasa tabing-dagat nakatira. Hehe, imagination ko lang yun type ko lang talaga ang Japanese design ng bahay.
Lovely lights <3 |
So yung dalawang biggie buddies naman umorder ng Drunk Man Rice Bowl, which is 280 php. Basicallyyyy, pork siya with secret ingredients na nakakasarap. Sweet konti na medyo maanghang. Almost inihaw ang lasa pero parang braised din, so naglalaro talaga sa taste buds. Hindi halata, pero madami siya (pero in all honesty sure ako kulang padin ito para sakanila).
Drunk Man Rice Bowl @ 280 php: Di ko na-picturean ng maayos, binantaan ng katabi ko buhay ko eh. |
I got Happimess rice bowl, este Happiness rice bowl haha. Sorry sa link, nag-plug lang ng other blog, hwe-hwe-hwe! Sorry and peace! Happiness rice bowl is 250 php, pwede na 'no? Sana ang Kaligayahan din ganun ka-mura. Eh hindi eh. So kain nalang tayo.
Happiness Rice Bowl @ 250 php |
Spicy Tobanjan Ramen @ 300 php: Ganito kabilis kumain ang Biggie. Kakalapag palang paubos na. |
Yung ibang meal halos same price lang, we decided not to order anything else kasi ang original plan is budget meal. Eh kaso nga natakam ang mga kumag so eto gumastos. Kaya ang order naming drinks,
"Ate isang pitchel nga po ng pinakamasarap niyong tubig."Wala daw pitchel so KKB (kanya-kanyang baso) and since naka-friendship naman namin si ate meron kaming unli Ice-Refill...with a smile! Perks yan ng pagiging masayahin, but still polite, na customers.
The menu. The picture menu. |
Okay, so ubos na. Busog na kami kaka-tikim tikim ng kanya kanyang order. Kahit kanya-kanyang bayad masaya naman kaming nag-share or steal form one another. Konting pork dito, konting sabaw dyan. Buo pa naman ang friendship, you can make tikim tikim the ulam, wag lang garapalan sa rice.
Golden Barkada Rule: Don't touch my rice.
Yung Aji Tamago extra egg yun para sa Ramen |
Heto ang damage sa party:
As you can see, although magastos kami kapag nag-ccrave kuripot kami sa bayaran. Since KKB ang pinaghatian dito ay ang service charge. Take note: down to the last piso ang hatian dito. Naningil ako ng parang hindi na kami magkikita kahit kelan.
Pinaghatian namin ang SC so 116 / 4 = 29 php each + KKB
Since 1 dish palang almost 300 php ka na...
Ang Hatol is obvious: Keriana Grande
Basta umorder ka lang ng pinakamasarap nilang tubig, hindi ka aabot ng Mamahaline Dion.
~~~ SPOILER ALERT! ! ! ~~~
We love Dire Wolves. Kahit gano kadami yang fangs nila, hindi sila scary kase they Can't hide their FLUFFINESS! |
ABOUT THE AUTHOR
Hello We are OddThemes, Our name came from the fact that we are UNIQUE. We specialize in designing premium looking fully customizable highly responsive blogger templates. We at OddThemes do carry a philosophy that: Nothing Is Impossible
Hahhaha Gustong gusto ko yung humor ng writings mo. Parang ang cool nyo kasama. Ramen lover ako and travel blogger din. hehe. Eto website ko: www.vinzideas.com. shameless plug talaga. hahhaa. Great blog btw.
ReplyDeleteWahihihi, lalaki po ulo namin nyaaan, pero thankyouuu ^_^
ReplyDelete