Don Benito's Cassava Cake & Pichi-Pichi

First-time ko makatikim ng cassava cake ng Don Benito's. First-time ko din marinig yung store na ito, pero sa pag-search ko madami nadin pala siyang branch.



Yung pinagbilhan ko ng branch sa Pacita mukang bagong bukas lang din. Sa tapat siya ng paborito naming karinderya at di ko siya nakita 2 months ago, so... ayun triny ko. Sa mga taga Pacita diyan, along  Pacita Avenue po ang branch na ito, bandang 11th street.



Small store lang siya, like your typical Baliwag, Andok's, Uling Roasters takeout counter. Bukod sa cassava cake meron din silang pitchi pitchi. Specialty nila yung dalawa. Di naman obvious, hehe.



Binili ko yung 75 php na 3 pcs Single Cassava Cake, kasi flavored yun at gusto ko matry yung iba't ibang flavors na meron sila. Pag yung 100 php kasi (small size) na buo 1 flavor lang pwede, so ayun.


Ang flavors na napili ko ay Macapuno, Cheese at Langka. In fairness nasarapan ako sa cheese at macapuno. Hindi ako fan ng langka, so si hubbydubs lang ang nag-enjoy nun.




Good points is: malasa siya at okay ang flavor. Bad points is: medyo maliit or flat yung cassava cake na single for 25 php each. Pero mapapatawad mo naman kasi ang Bibingkinitan 25 php per piece din, same number of bites lang din bago maubos.



All in all, sakto lang siya sa sarap and although hindi siya mura, hindi din naman siya mahal. Magandang alternative pasalubong sa Colette's o Dunkin Donuts pag gusto mong maiba lang. Pitchi-pitchi for mommy? Why not, diba?




Share this:

ABOUT THE AUTHOR

Hello We are OddThemes, Our name came from the fact that we are UNIQUE. We specialize in designing premium looking fully customizable highly responsive blogger templates. We at OddThemes do carry a philosophy that: Nothing Is Impossible

1 comments:

  1. What Is Win-Win-Win-Win in Betting? - Work
    Win-Win-Win-Win is a Win-Win-Win-Win-Win-Win is the most commonly used betting type in หาเงินออนไลน์ the world, the term Win-Win-Win-Win-Win-Win-Win-Win-Win-Win-Win-Win-Win-Win-Win.

    ReplyDelete