New pasalubong idea? Try California Maki.
Dahil kung saan saan ako napapadpad sa aking line of work, yesterday napadaan ako sa Robinsons Galleria, Ortigas para panandalian munang magpahinga matapos ang buong araw na paglalakad.
Nakita ko ang sets ng maki rolls na ito sa Robinsons Supermarket. Nakapatong ang mga ito sa crushed ice sa ibabaw ng stainless steel tables.
Tinanong ko si ateng nagprepare at isa pa niyang kasamang guy kung fresh ba ang paninda nila, balak ko kasi gawing pasalubong sa aking family na nag-aantay sa aking pag-uwi. Sabi nila, bagong gawa ang kanilang maki, required daw silang itapon ang hindi naibebenta for the day.
Na-convince naman ako dahil naghahanap din ako ng bagong madadalang pasalubong sa bahay, maiba naman sa usual.
Inilagay ko kaagad sa bagpack ang pinamili kong grocery at pasalubong. Ayan ang hitsura niya (second photo) nung nakarating ako sa bahay (2 hours later dahil sa traffic) at inilabas ko mula sa aking bag.
Tada! Buti nalang di masyadong na-squish.
At ito naman ang hitsura nya pag tinanggal na ang plastic cover. Hmm, better.
Family, attack!
Best with chopsticks!
Cost = Php 195 per set
Total = Php 390
Bilang ng taong lumafang = 5
Pumapatak na Php 78 per person
Ayus naman ang timpla ng maki at sa tingin ko totoong bagong luto talaga ayon sa aking panlasa. Medyo naparami ang quantity ng japanese rice kada roll but for me it's ok naman para sa presyong pumapatak na Php 78 per person.
Nakakabusog at malasa kahit histurang kaunti ang laman na crab meat (imitation), cucumber at manggang hinog. Kung madadagdagan ang palaman, much better. :)
Cheapangga Meter
Ang hatol para sa California Maki Take-out ng Robinsons Supermarket: Cheapangga
Sa wakas nagka-Cheapangga din hahaha!
Well, may kamahalan na ang mga pagkain ngayon. Kahit sa carinderia (na masarap ang luto) sa Muriah na na-ca-categorize.
Kaya take outs, street foods, snacks sa food stalls at mga lutong bahay ang usual na pumapasok na Cheapangga sa ating meter.
Yup, foodang quest continues sabi ko din as I nod.
ABOUT THE AUTHOR
Hello We are OddThemes, Our name came from the fact that we are UNIQUE. We specialize in designing premium looking fully customizable highly responsive blogger templates. We at OddThemes do carry a philosophy that: Nothing Is Impossible
Lamon kayo nang lamon dyan.
ReplyDeletehahahaha yeah..nag-iipon para sa mga lakbay e
ReplyDelete