Asahikawa Ramen Bangaichi




Dahil likas ang hilig naming sa paglafang, once in a while naghahanap kami ng maiba namang makakain. So last night, me, my bf and sis went out and decided to have our dinner in Asahikawa Ramen Bangaichi (ARB). 



This is my second time to visit this place, last time was a year ago na. Natuwa lang kami noon ng kapatid ko subukan, kasi bagong tayo. Bumalik kami dito kagabi para maexperience din ni bf ang place. Saka nagustuhan ko rin naman ang service at luto nila dati so keri lang.


Actually di ko gets ibig sabihin nung restaurant name, pero napag-alaman ko mula kay mareng google at sa kanilang facebook page, na ang unang branch pala ng ARB ay itinatag about 45 years ago na sa Tokyo Station Outlet. Lapit lang, walking distance.



At ang unang international outlet nila ay itinayo dito sa Pilipinas, and yes, may tama ka, ito na nga yon sa may Riverside ng Festival Supermall. Galing di ba? Laki ng tipid, di ka na mamamasahe papunta ng Japan para lang matikman ang ramen na ito.




View from entrance door of ramen house near Riverside


Note: Hindi ko po kilala si kuyang nakatungo. Hindi siya natinag kahit inilabas ko na ang aking weapon este phone para kumuha ng picture kaya ayan po napasama na siya sa shot.


Gyoza - Php 160.00
Steamed and Fried Japanese Dimsum


Karaage - Php 220.00
Breaded Boneless Fried Chicken Strips with Lemon slice and Mayo


Shoyu Buttercorn - Php 310.00. 
Sweet tasting ramen, sabi ng ng kapatid kong umorder nito.



Buuuurp! Di ko namalayang ubos na, natapon ata.
Yes, chilli powder yan. I love it spicy.


Exhibit A: Ang katakawan este katibayan. 
Total amount Php 1,410. Price per person Php 470.




Yup medyo expensive pero para sa akin satisfying yung lasa ng ramen nila. Sa akin, ok yung sakto lang yung sabaw, not too thick, oily and salty. Kung ka-tastebuds ko kayo, sure ako magugustuhan niyo rin ang luto nila dito. Malaki ang serving size, talagang mabubusog ka. Advise ko lang, wag na magmeryenda bago pumunta at mabigat talaga sa tyan matapos kumain ng ramen. Unless praktisado, tipong batak sa kainan, sige go lang.


 View from Riverside Bridge
Iba talaga ang nagagawa ng lighting at textured walls sa gabi, mas may dating.


Relaxing ang ambience, tabing man-made river. Malinis ang labas at loob ng restaurant. Although may mga parts ng interior na hindi masyadong na-finish lalo na sa upper deck kung saan kami ipinuwesto (ako ay CE, ang sis ko ay Arki so yun agad ang napansin namin actually haha). Working ang aircon so di naman pawis-pawis habang kumakain.

Very accommodating ang mga server ng ARB. Sa kanila ko lang nakita yung rumuronda para sa magserve ng water, parang every 7 to 10 minutes ata yun may umaakyat sa upper deck. Hindi na kailangan tawagin pa lalo na't tubig lang ang napili naming panulak.

Overall, ok ang ARB. I recommend it for casual gatherings, family dinners and informal business meetings.


Cheapangga Meter

Introducing the Cheapangga Meter, basically ito ay isang simple guide para maihanda ang bulsa at ang buong pagkatao sa tuwing lumalabas upang mag-dine out. Naka-base ito sa presyo ng pagkain per individual.



Cheapangga (Green, Price range: Php 100 and below)
Para sa estudyante na pinagkakasya ang allowance, mga taong tight ang budget, or sa mga talagang trip lang ang magtipid nang mas mabilis dahil gustong ilaan ang datung sa ibang bagay.

Muriah Carrey (Yellow, Price range: Php 101 to 300)
Para sa mga estudyante na mas mataas ang natatanggap na allowance, mga working people pero nagtitipid dahil may ibang hilig or passion sa buhay like travel, fashion, gadgets, etc.

Keriana Grande (Orange, Price range: Php 301 to 500)
Para sa mga working people na gustong i-treat ang sarili paminsan minsan, casual gatherings, family dinners and informal meetings. Ok ito gawin once or twice a month.

Mamahaline Dion (Red, Price range: Php 500 and above)
Para sa mga okasyong pinaghahandaan, formal gatherings na kailangang puntahan, or talagang can-afford.
Approved ito ng Cheapangga once in a while at tuwing kailangan talaga, but not all the time.


Ang hatol para sa Asahikawa Ramen Bangaichi: Keriana Grande


Source:

https://www.facebook.com/asahikawaramenbangaichi/?fref=ts

Share this:

ABOUT THE AUTHOR

Hello We are OddThemes, Our name came from the fact that we are UNIQUE. We specialize in designing premium looking fully customizable highly responsive blogger templates. We at OddThemes do carry a philosophy that: Nothing Is Impossible

0 comments:

Post a Comment