TBS Blue Corner




Craving for crispy lechon kawali? Dito na tayo sa presyong sulit. 




TBS Blue Corner Sizzling Express is located in Paseo de Santa Rosa Market Area. And yes, ito ay isang carinderia. 

Madalas kaming kumain dito with my family and friends, siguro sa isang buwan mga twice or thrice a week. May ilang clients narin kaming nadala dito, lalo na yung mga rugged and casual lang like us, to eat lunch or dinner.

Favorite ko ang crispy, malasa at garantisadong pampabata na lechon kawali ng TBS. Of course, hindi nawawala yan sa listahan ng order tuwing lumalafang kami.


Dinakdakan


Isa pa 'tong masarap na pampabata, malapit-lapit ang lasa niya sa sisig, hindi nga lang sizzling. More sili, more fun.


Cup of Pure Joy (Diet ka? Huwaaat?!)


Carbs alert! I know right, sorry can't help it. I hate that I love you so...(sige kanta pa)


Sinigang na Ulo ng Salmon sa Miso


Mainit na sabaw na may gulay at fishda. Ang gusto ko dito ay yung crunchy at may pagkapait pang pagkakaluto ng mustasa. Sabi ko sa'yo basta bitter, love ko (see Fig Tree post para maka-relate).


Ice para sa Order naming Drinks na Water


Siyempre, water is the best drink para healthy at para sa wallet.


Mantika Soup este Sabaw ng Bulalo


I don't want to comment on this, basta ok siya. Ok siya. Naubos ko nga e, basta mainit bet ko haha


Kinilaw na Tanigue


Hindi talaga ako kumakain ng kinilaw dati, dito ko lang na-appreciate ang lasa ng hilaw na isdang niluto gamit suka. Try it, I know you'll loveeeet.


Mang Tomas, Sili at Kalamansi


Need I say more? Sarsa at toyomansi with chili, paboritong condiments sa mga prito at ihaw ng mga Pinoy.


Open Air at Malinis ang Tables and Chairs


Squeaky clean yan. Pramis. Hi ate, nahuli mo akong kumukuha ng picture :)


Ang Listahan ng mga Sinintensyahang Foodang

Total Price Php 575
Bilang ng taong nabusog = 4
Price per individual = Php 143.75


Cheapangga Meter


Introducing the Cheapangga Meter, basically ito ay isang simple guide para maihanda ang bulsa at ang buong pagkatao sa tuwing lumalabas upang mag-dine out. Naka-base ito sa presyo ng pagkain per individual.





Cheapangga (Green, Price range: Php 100 and below)
Para sa estudyante na pinagkakasya ang allowance, mga taong tight ang budget, or sa mga talagang trip lang ang magtipid nang mas mabilis dahil gustong ilaan ang datung sa ibang bagay.

Muriah Carrey (Yellow, Price range: Php 101 to 300)
Para sa mga estudyante na mas mataas ang natatanggap na allowance, mga working people pero nagtitipid dahil may ibang hilig or passion sa buhay like travel, fashion, gadgets, etc.

Keriana Grande (Orange, Price range: Php 301 to 500)
Para sa mga working people na gustong i-treat ang sarili paminsan minsan, casual gatherings, family dinners and informal meetings. Ok ito gawin once or twice a month.

Mamahaline Dion (Red, Price range: Php 500 and above)
Para sa mga okasyong pinaghahandaan, formal gatherings na kailangang puntahan, or talagang can-afford.
Approved ito ng Cheapangga once in a while at tuwing kailangan talaga, but not all the time.


Ang hatol para sa TBS Blue Corner Sizzling Express: Muriah Carey


Share this:

ABOUT THE AUTHOR

Hello We are OddThemes, Our name came from the fact that we are UNIQUE. We specialize in designing premium looking fully customizable highly responsive blogger templates. We at OddThemes do carry a philosophy that: Nothing Is Impossible

0 comments:

Post a Comment