Pagpasok mo palang mapapa-ubo ka na sa tapang ng amoy Thai food. Seryoso, malalanghap mo ang Thailand duon sa Pad Thai Pacita.
Since nakakarami na tayo sa Japanese food lately, eto naman itry natin Thai cuisine!
Gabi nga pala kami nagpunta so...Night mode! |
Grabbed this sa FB account ng Pad Thai. This is their store pag walang tao. |
Yung menu nila ay hindi presyong karinderya o simpleng kainan. Nothing like Tudings ang mga dish ay nasa 180 php on average, pero wag ka, may ikakabog eh. Pare, masarap.
Since ayaw naming lumagpas sa budget ang inorder namin ay yung modest price which is yung Phad Thai noodles and Phad Kapao chicken rice. Parehong below 150 php:
Medyo mabagal service kasi nga andaming tao tapos yung kumukuha ng order namin matanda na, siguro late 50s or early 60s na so ang hirap mag-taray. T_T
Masarap siya. Period. Hahaha! Osige sige, malalasahan mo lahat. Legit thai food at magfifeeling healthy ka kasi ma-gulay din sya so okay lang makarami. Medyo fat lang yung noodles so matagal ko naubos pero..
My gad, pagkasubo ko gusto ko na pagdamutan ang anak ko. Kahit na maanghang hindi siya lasang sili, like some spicy dishes, malalasahan mo padin yung nuts, yung greens and yung sauce.
Balanseng umiikot sa pallet ang ingredients kaya hindi ka mabibigo.
Eto namang si Phad Kapao di magpapahuli. Kita mo yang spring onion na yan at yang green bell pepper na yan, tapos samahan mo pa ng sauch na yun at yung chicken na malinamnam na ayynako!
Di talaga pwede ang sharing dito. Walang kaibi-kaibigan walang date-date. Kung lasa ang hanap mo aba'y sagana dito, ihanda mo lang pera mo at least 300 php kung magta-takaw ka.
Eto pala kumuha ako ng menu price sa FB page nila, incase confusing yung una kong menu photo:
So ito na hahatulan na natin:
Ang Hatol: Muriah Carrey much
Ang masasabi ko lang ay Nyumnyum-nyum nyum. Masaya ako sa nakain kong ito at kung may reklamo ako ay Bitin po. Bitin kahit na malaki na ang serving, gusto ko pa, sana may XL version kayo, that's all!
Oh heto proof of my satisfaction! What more do you want!?!
ABOUT THE AUTHOR
Hello We are OddThemes, Our name came from the fact that we are UNIQUE. We specialize in designing premium looking fully customizable highly responsive blogger templates. We at OddThemes do carry a philosophy that: Nothing Is Impossible
masarap ang pad-thai isa sa mga paborito ko na thai food, though I'm staying here in Thailand. ^^ i try mo din yung somtam salad isa yan sa mga pinaka sikat na salad ng thailand even foreigners love it ^^
ReplyDeletewww.itsbeyondimaginations.blogspot.com
Ooooh somtam salad, sure ba sa susunod na pagkakataon!
ReplyDelete